Bb. Pilipinas Shamcey Supsup places third runner-up in the Miss Universe 2011

091311-shamcey_main.jpgBb. Pilipinas-Universe 2011 Shamcey Supsup made the country proud sa katatapos pa lang na Miss Universe 2011 na ginanap sa Sao Paolo, Brazil dahil nasungkit niya ang third runner-up sa nasabing most-prestigious beauty pageant sa buong mundo. Si Ms China ang fourth runner-up, si Ms Brazil ang second runner-up, si Ms Ukraine ang first runner-up at idineklarang Miss Universe si Miss Angola.

Bukod sa consistent na matataas na scores na nakamit ni Shamcey during the swimsuit competition at evening gown, na-impress din niya ang mga judges at mga viewers sa kanyang sagot during the question-and-answer portion ng top five. Tinanong si Shamcey kung pakakasalan ba niya ang lalaking mahal niya na hindi niya pareho ang relihiyon. Nabigyan ang bawat contestant ng 30 seconds para sagutin agad ang mga itinanong sa kanila.

Hindi raw niya pakakasalan ang lalaking mahal niya dahil mas mangunguna raw sa kanya ang pagmamahal niya sa Diyos. “I will not marry the person that I love because the first person that I love is God who created me and I have my faith my principles and this is what makes me who I am and if that person loves me he should love my God too. Thank you.”

Sa simula ng first competition, marami ang kinabahan dahil sa Top 16 ay isa sa mga huling tinawag si Shamcey pero hindi niya binigo ang kanyang mga tagasuporta nang matawag siyang muli sa Top 10 at Top 5.

Magkakaroon ng replay ang Miss Universe 2011 sa Studio 23 sa ganap na ika-9:30 ng gabi.

Continue to source: Push.com.ph.

Bb. Pilipinas Shamcey Supsup places third runner-up in the Miss Universe 2011

More Showbiz News!


Showbiz topics in this article:

talambuhay ni shamcey supsup tagalog, talambuhay ni shamcey supsup sa tagalog, shamcey supsup talambuhay tagalog, buhay ni shamcey supsup, sino si shamcey supsup, larawan ni shamcey supsup, ms brazil 2011, talambuhay ni shamcey, katangian ni shamcey supsup

One comment

  1. lyn says:

    congrats! I’m pround of her….pro on my own openion, ang magmhal ng isang tao na hnd ko karelihiyon, its not a big deal as long as mahal kong totoo ang tao at mahal din nya ako so wer both happy….. dba nga sbi ng Bibliya wlang relihiyon ang makkapagligtas s atin kundi ung mga mabubuti nting gawa at higit sa lhat we bliv Jesus, na xa at ang Panginoon ay iisa…. wer praying in one GOd only kht anong relihiyon ka pa.