Kathryn Bernardo and Julia Montes say the price of fame is still worth it

083111-katjulia_main.jpgSa kanilang murang edad, natamo na nina Kathryn Bernardo at Julia Montes ang kasikatan and at the same time, ang pagkakaroon ng responsibilidad. Halimbawa, maituturing na breadwinners ang dalawa sa kanilang pamilya at malaking responsibilidad din ang pagiging magandang ehemplo sa mga kabataan. Gayunpaman, very positive ang pananaw ng dalawa sa kabila ng mabibigat na responsibilidad.

Nakakalabas [ako] pero ‘yung party kasi hindi rin ako ma-party na tao,” kuwento ni Kathryn. “So para sa akin nage-enjoy din naman ako kasi kailangan mag-sacrifice ka rin po nang konti dahil sa pagiging successful. Okay lang naman po sa akin ‘yung kapalit dahil sobrang worth it po naman.”

Sabi pa ng dalaga, maituturing na swerte sila ni Julia dahil sa kanilang murang edad ay kumikita na sila. “Naiisip ko na lang sa positive side. Ako nakakaipon na ganito pa lang ako ang bata, so para sa akin mas swerte ako kumpara sa ibang bata.

Katuparan naman ito ng pangarap para kay Julia na sa murang edad pa lang ay namulat na kailangan niyang magtrabaho para makatulong sa pamilya. “Bata pa lang talaga ako, Goin’ Bulilit pa lang tumutulong na ako,” kuwento ng young actress. “At 9 years old naisip ko na talaga na kailangan kong tumulong sa kanila. Hanggang paglaki ko na-mindset ko na more on family talaga. Siguro may mga times din na napapaisip na what if ako yung typical teenager? Pero ‘yun nga iba rin kasi na nakapag-ipon na rin. Nage-enjoy rin kami sa trabaho namin, passion din namin ito.

Samantala, hindi naman pressured ang dalawa na sila ang magdadala ng upcoming teen show na Growing Up. Anila, hindi nila kailangang magpadala sa pressure at ang mahalaga lang ay gawin nila ang best nila. “Hindi naman po siguro kaming dalawa lang ang magdadala,” ani Julia. “Siguro po may pressure kasi siyempre ang tagal na rin ng itinakbo ng kabila naming kalaban and siguro ano na lang talaga ‘yung best lang po namin at ‘yung natural na maibibigay namin na magbabarkada, siguro ‘yun ang edge namin.”

Ayon naman kay Kathryn, sama-sama naman sila ng kanilang mga co-stars sa pagdadala ng show at umaasang mas makikilala rin ang kanilang mga kasama sa Growing Up.

Continue to source: Push.com.ph.

Kathryn Bernardo and Julia Montes say the price of fame is still worth it

More Showbiz News!


Showbiz topics in this article:

mga larawan ni julia montes

Comments are closed.