KC Concepcion says she has said enough about her relationship with Piolo Pascual

091911-kc-main.jpgKahit nagsalita na si KC Concepcion last week, ‘di pa rin matigil-tigil ang mga usapin hinggil sa kanyang relasyon sa boyfriend na si Piolo Pascual. May bago kasing lumutang na balita na mayroon na naman umanong pinagdadaanan ang controversial couple. Pero sa The Buzz kahapon, September 18, nag-beg off na ang anak ng Megastar at sinabing sapat na ang sinabi niya noong nakaraang linggo.

Marami na rin po akong nasabi just last week so sa lahat po ng tanong ninyo and I think I’ve said more than enough last week,” simula ng actress-host. “Kahit papano ‘di pa ako sanay mag-share like ng ganito sa public. Last week I felt so good (dahil) naibahagi ko sa inyo, kahit papano kung ano ang nasa puso ko.”

Maging si Piolo ay mas gusto na lamang na manahimik hinggil sa bagong isyung ito. Matatandaan na nang mapabalitang may pinagdadaanan sila ni KC, nagbigay ng malamang pahayag si Sharon Cuneta bilang pagtatanggol sa kanyang anak at sinabi pa nitong sana ay makatagpo ito ng taong magbibigay sa kanya ng atensyon at pagmamahal gaya ng ibinibigay nila sa kanya. Ani Piolo, sa kanilang dalawa na lamang ni KC ang pagkakaunawaan nila.

Ayon pa rin kay KC, kahit na showbiz figure siya, ang mahalaga sa kanya ay nasa tabi niya ang mga taong mahal na nakakakilala talaga sa kanya kahit ano pa ang sabihin ng iba. “At the end of the day, ‘yung mga kaibigan mo at ‘yung mga taong talagang nandyan sa totoo mong buhay. Ang siguro aalagaan at bibigyan natin ng pansin ay ‘yung mga taong nakakakilala sa atin at kilala natin ang bibigyan natin ng importansya.

Sinuportahan naman ng kanyang co-host na si Boy Abunda ang tinuran ng dalaga. Aniya, kung hindi siya sigurado sa kanyang sasabihin ay mas mabuting manahimik na lamang. Aniya, ang mga sasabihin kasi ay hindi mababawi pa.

Continue to source: Push.com.ph.

KC Concepcion says she has said enough about her relationship with Piolo Pascual

More Showbiz News!


Showbiz topics in this article:

boy abunda kc concepcion buzz

Comments are closed.