Kim Chiu on parting ways with Gerald Anderson: ‘I learned to love myself more’

081511-kimchiu.jpgIsang heart-to-heart interview ang ginawa nina Boy Abunda at Kim Chiu kahapon sa The Buzz at sinagot lahat ng young actress ang mga isyu hinggil sa kanyang family at love life. Lumaki si Kim na kulang sa pag-aaruga ng mga magulang at kasama lamang ang mga kapatid niya at ayaw raw niya itong mangyari kapag nagkapamilya na siya. “Ayokong mangyari ‘yon kasi tumatanda tayo. kagaya ko wala ‘yung mga magulang ko. Gusto ko ‘yung buhay ko maging matuwid hindi ‘yung magulo,” paliwanag ng aktres.

Nang itanong ni Boy kung kamusta ang relasyon ni Kim sa kanyang pamilya, ang sagot niya, “Masaya naman kami. Masaya naman ‘yung mga kapatid ko sa kung anuman ang narating ko ngayon.” Tinanong din ni Boy kung bakit hindi niya binanggit ang kanyang ama’t ina, at sinabing hindi na ba mabubuo ang kanyang pamilya. “Buo naman kami, nandyan ‘yung ate ko, mga kapatid ko, sama-sama kami.” Tumanggi naman siya na pag-usapan pa ang kanyang mga magulang. Dagdag pa niya, hindi na raw niya nakakausap ang tatay at nanay.  

Sa tanong na kung umaasa pa ba siyang isang araw ay magkaharap-harap sila ng kanyang mga magulang, ani Kim, “Masaya na po ako, eh. Masaya na po kami and maayos naman po ang buhay namin.”

Nang maitanong ang kanyang mga natutunan nang maghiwalay sila ni Gerald Anderson, ani Kim, “Marami po. I learned to love myself more, I learned how to be strong and kung hindi ka naman nagmahal hindi ka naman masasaktan. Thankful ako na naramdaman ko ‘yon at wala akong sama ng loob, wala akong galit kahit na (kanino). Masaya ako na naramdaman ko ‘yon. Kami ni Gerald sobrang okay naman hanggang ngayon andyan siya. ‘Pag may problema ako (at) di ko na kaya nakikinig siya.”

Sa pinakamahalagang natutunan daw niya hinggil sa pag-ibig, ang sagot ng bida ng My Binondo Girl, “Hindi masamang magmahal. Tao ka rin naman. Marami kang mararamdaman sa ngalan ng pag-ibig.”

Umiyak ka lang. Pagkatapos non wala na, masaya ka na ulit. Kasama mo na friends mo, mga taong nagmamahal sa  ‘yo.”  

Hindi niya itinanggi na nang ipareha siya sa ibang aktor ay natakot siya na baka hindi suportahan ang bagong team-up. “Pero na-realize ko trabaho naman namin ito and alam ko mahal na mahal ako ng mga sumusuporta sa akin. Nung time na ‘yon naramdaman ko and thankful ako and sinusuportahan naman nila kahit ano ang projects ko at ni Gerald.”

Kung may mensahe man daw siya sarili, ang nakangiting sagot ni Kim, “Congratulations.”

Continue to source: Push.com.ph.

Kim Chiu on parting ways with Gerald Anderson: ‘I learned to love myself more’

More Showbiz News!


Showbiz topics in this article:

kim chiu lovelife

Comments are closed.