Kris Aquino admits she realized the poor choices she made while shooting ‘Segunda Mano’

122811-kris_main.jpgHindi itinanggi ni Kris Aquino na malaki ang budget nila sa kanilang Metro Manila Film Festival entry na Segunda Mano. “Kailangan maging worth it na magbayad ng P180 ang Pilipinas to watch. [With the movie] you won’t ask for a refund because it’s big and it’s the biggest horror movie I’ve ever made,” pahayag ng tinaguriang queen of horror films. Sulit naman daw ang gastos dahil de-kalidad ang pelikula. “It’s huge. Nung pinanonood ko naman nakita ko where every centavo went,” sabi ni Kris. Nakatrabaho rin daw niya ang mga mahuhusay na tao. “No expense was spared and you can see it in the product.”

Nagkaroon din daw ng mahahalagang realizations si Kris via the film. Kuwento raw kasi ito ng isang babaeng naghahanap ng pagmamahal. “Hindi niya naramdaman na minahal siya sa sarili niyang pamilya and then finally Dong (Dingdong Dantes) comes along in the character of Ivan. Naramdaman niyang hindi na siya segunda mano pero ‘yun ang kailangan n’yong abangan,” pagbibitin ng Queen of All Media.

Sa isang eksena raw na kanilang ginawa ay may koneksyon daw sa tunay na buhay ni Kris. “We were shooting in the rain and I really broke down after [the scene]. I broke down because of what Dong was doing because it was very personal to me. Naramdaman ko kasi na parang ito pala ang mga pagkakamali ko, and I thought because of the lines that Dong said na if I could relive my life, I would have changed some decisions.” Ang tinutukoy raw ni Kris ay ang pagkasira ng kanyang pamilya.

Minsan daw ay hindi inaasahang magkasalubong sila ng kanyang ex-husband na si James Yap. “Nagkasalubong kami at nakita ko kung ano ‘yung pinagbabayaran ng anak namin ngayon. So ‘yung lines kasi ni Dong doon has something to do with his daughter, do’n mo nararadaman na nakakaawa talaga not just Bimby but also si Josh kasi ‘pag nakikita nila si James akala nila buong-buo sila and ‘yun ang masakit para sa akin, kasi nga ‘di na kami buo,” madamdaming pahayag ng actress-host.

Continue to source: Push.com.ph.

Kris Aquino admits she realized the poor choices she made while shooting ‘Segunda Mano’

More Showbiz News!


Showbiz topics in this article:

segunda mano buod, iskrip ng segunda mano

Comments are closed.