Rachelle Ann Go comments on Bianca Manalo’s alleged involvement with John Prats

062011-rachelle-main.jpgKinumpirma na rin ni Rachelle Ann Go sa interview sa kanya ng The Buzz na wala na nga sila ni John Prats pero hindi pa raw sila nakakapag-usap ng mabuti tungkol dito. “Hindi pa talaga kami nag-uusap pero magulo lahat ng bagay, magulo po lahat,” ani Rachelle Ann. Itinanggi rin niya na kawalan ng oras sa isat-isa ang dahilan since nasa magkabilang istasyon na sila.  

Hindi rin daw totoo ang isyung hindi raw boto ang kani-kanilang pamilya sa isa’t isa. “Sobrang wala akong masasabi sa pamilya ni John, sobrang bait nila sa akin and ganun din po ‘yung pamilya ko sa kanila,” lahad ng singer.

Sinasabi ring third party ang ugat ng paghihiwalay. Sa The Buzz sinabing nakikipagbalikan umano ang dating boyfriend ni Rachelle Ann na si Christian Bautista. “Parang hindi naman. Kumbaga okay kami, barkada pa rin kami, pero parang hindi naman. Alam talaga namin na hanggang friends lang kami,” paliwanag ng singer.

Tikom din ang kanyang bibig sa pagkokomento hinggil sa pagkaka-link ni Bianca Manalo kay John na itinuturong third party raw. “Ayoko na muna tsaka na lang. Hindi ko pa po siya kilala at ayoko namang magtanim ng (sama ng loob). ‘di ba?” ani Rachelle Ann. “Sa isang tao na hindi ko pa nami-meet o nakakasama kasi ‘pag nangyari ‘yan walang respeto ‘di ba? ‘Yun lang naman kailangang sa relationship, ang respeto.

Normal
0

false
false
false

MicrosoftInternetExplorer4

Ang
importante raw ngayon kay Rachelle Ann ay malampasan ang pagsubok na ito. “You
have to be strong. Sa lahat ng babae madadaanan nila ‘yan pero syempre kelangan
mag-
move on. Iniisip ko na lang talaga ‘yung bright side at ang purpose nito
kung bakit nangyari.
 

Continue to source: Push.com.ph.

Rachelle Ann Go comments on Bianca Manalo’s alleged involvement with John Prats

More Showbiz News!


Showbiz topics in this article:

rachelle ann go boyfriend, rachelle ann go boyfriend 2012, Rachelle ann go and christian bautista interview in the buzz

Comments are closed.