Anne Curtis on victims of severe flooding: ‘Taas noo, kaya natin ito’

080912-anne_main.jpgSa kalamidad na nararanasan ng bansa ngayon dahil sa tuloy-tuloy at walang tigil na pag-ulan na nagdulot ng matinding baha sa Metro Manila at iba pang kalapit na lugar, nakita ang pagkakaisa ng mga Pilipino lalo na ng mga artistang ginamit ang impluwensiya sa mga social networking sites tulad na lang ng Twitter, Facebook at Instagram para makatulong at maghatid ng balita sa mga nangangailangan nito, at isa dito ay si Anne Curtis.
 
Kilala bilang the most followed Filipino celebrity on Twitter with 3.2 million followers, ginamit ni Anne ang impluwensiyang ito para makalikom ng impormasyon at makatulong sa mga nangangailangan. “Well I think that is where responsibility comes in for having so many followers. Kung ganyan kadami ang followers mo gamitin mo in a wise way when its needed. So whatever info that I could get na natutweet sa akin o nababasa ko nire-retweet ko para makita din ng mga tao yung mga emergency numbers na dapat tawagan if they need anything. Mga hashtags na dapat sundan so they would know who will rescue kung ano din yung mga account na dapat i-follow sa mga updates,” ayon sa aktres sa ekslusibong panayam ng Push.com.ph sa kanya tungkol dito,
 
Bilib din si Anne sa katapangan ng mga rescuers na hindi nagdalawang-isip lumusong sa baha para makatulong at magligtas ng ilang mga kababayang nangangilangan ng tulong sa relocation dahil sa baha o para mabahagian ng ilang relief goods at supplies. “To all the rescuers talagang saludo kaming lahat because its all in the news naman na kahit naman na umaga pa lang pinapaalis na yung mga tao they stayed until the very end.”
 
Sa kasalukuyan ay gumagawa ng aksyon si Anne para naman sa mga sanggol at batang biktima ng kalamidad na ito lalo na ang mga nasa bahay-ampunan at mga shelter homes na nangangalaga sa kanila. “When it comes to kids kaya I made a reminder in twitter also na we all are thankful for everyone who provides ng mga tin goods, canned goods and all of that but they forget about the kids who needs milk, diapers, soft food so yun yung twineet ko kahapon at yun yung super concern ko sa mga kids. And to those na hindi na nagbi-breastfeed they need the powder milk.” Kaya naman masipag na lumilikom din ng tulong si Anne para sa mga batang ito. “Not only the children, but you also have to support the volunteers lets say the adoption house kasi diba they don’t have parents to look after their children . The ones who are there are also volunteers who left their children to look after these kids who are abandoned at sila yung mga malapit sa akin kaya they are the ones I chose to help.”
 
At sa lahat ng pangyayaring ito may mensahe si Anne sa libo-libong mga kababayan na apektado sa mga pag-ulan at pagbaha. “Taas noo, kaya natin ito, kaya natin bumangon and take note nakangiti pa because it is one of the most famous traits of the Filipino inspite of all the hardships and trials we can make it through with a smile.”

Continue to source: Push.com.ph.

Anne Curtis on victims of severe flooding: ‘Taas noo, kaya natin ito’

Browse more Latest Showbiz Newsarticles!

Comments are closed.