Enchong Dee says he is open about the status of his relationship with Julia Montes

011112-enchong_main.jpgSimple lang ang wish ni Enchong Dee ngayong 2012. “Gusto ko lang maging smooth-sailing [ang lahat], ‘yun din wala ring sakit, walang aksidente tsaka walang away,” aniya sa blessing ng Star Magic office sa ABS-CBN compound noong Lunes, January 9. Optimistic ang aktor na magiging maganda ang kanyang taon dahil siya ay Year of the Dragon din ipinanganak.

Noong Pasko raw ay nag-bonding sila ng kanyang pamilya sa Singapore at bumalik sa Pilipinas bago mag-New Year. Nagkita naman daw sila ng kanyang rumored girlfriend na si Julia Montes bago mag-Pasko. Hindi rin daw sila madalas nagkita over the holiday season dahil siya mismo ay naging busy para sa taping ng Maria La Del Barrio.

Sinabi rin ng binata na ipinagdarasal niya na pumatok ang team-up ni Julia with Coco Martin sa Walang Hanggan. Sa tanong kung hindi ba siya nagseselos, ang mabilis niyang sagot, “Hindi [kasi] it’s a big move for her sa career niya ‘yon.

Tinanong din si Enchong kung mas magiging vocal ba sila ni Julia kung sakaling maging magkarelasyon na sila. Depensa niya,  “We’re very open naman na kaya nga I’m really happy to say we’re friends, we see each other every now and then.”

Happy naman si Enchong dahil for the second time ay extended uli ang Maria La Del Barrio at magtatapos ito sa Marso. Aniya, marami pang pwedeng i-explore ang storya kaya hindi siya nangangamba na lumaylay ito. “I think Star Cinema decided to extend this kasi masyadong maraming magagandang eksena na hindi puwedeng mabilisan lang ‘yung takbo kaya siya na-extend din kasi maraming highlights ‘yung ending and we’re preparing for the ending.

Proud din siya sa development na ito dahil hindi lahat ng teleserye ay nabibigyan ng chance na ma-extend. “Oo naman ilang teleserye lang ba ‘yung nae-extend na okay na ‘yung isang beses, dalawang beses pa na-extend. I think it’s a sign na we’re doing a great job.”

Continue to source: Push.com.ph.

Enchong Dee says he is open about the status of his relationship with Julia Montes

More Showbiz News!


Showbiz topics in this article:

enchong dee girlfriend 2012, coco martin girlfriend 2012, enchong dee girlfriend, julia montes nose job

Comments are closed.