Iwa Moto admits romance with Jodi Sta. Maria’s estranged husband

061512-iwajodi_main.jpgUsap usapan ngayon ang pag-amin ni Iwa Moto ng kanyang relasyon kay Pampi Lacson, estranged husband ng aktres na si Jodi Sta. Maria.

Sa kanyang Twitter posts, lantaran ang pag-amin ni Iwa ng pag-ibig para kay Pampi at sa anak nito kay Jodi na si Thirdy.

Maliban sa mga “sweet  words,” nagpo-post din si Iwa ng mga larawan ng bonding moments nila ni Pampi at Thirdy.

Sa report ng abs-cbnNEWS.com, mula sa panayam ng programang “Cristy Fer Minute” ni Cristy Fermin, matapang pang-hinamon ni Iwa si Jodi na sampahan siya ng kasong libelo kung nagsisinungaling siya nang sabihin niyang kaya sila nagkakilala ni Pampi, dalawang taon na ang nakakaraan ay dahil sa pagsumbong niya sa huli ng relasyon ni Jodi sa dati niyang nobyong si Mike Ablan.
 
Dagdag pa ni Iwa, may hawak siyang ebidensiya na nagsasabi na pawang katotohanan ang kanyang sinasabi.

Kaya siguro hindi siya nagsasalita kasi alam niyang totoo ang sinasabi ko. Kasi kung nagsisinungaling ako ay pwede niya akong idemanda ng libel. Pero malakas po ang loob ko dahil alam ko sa aming dalawa kung sino ang nagsisinungaling at sino ang nagsasabi ng totoo,” ani Iwa.

At kung ebidensiya lang po ay may ebidensiya po ako at ‘yun siguro ang kinakatakot niya na ilabas ko…kasi naniniwala pa din po siya na inosente siya. Hindi porke’t mukhang inosente ay inosente na siya.”

Continue to source: Push.com.ph.

Iwa Moto admits romance with Jodi Sta. Maria’s estranged husband

Browse more Latest Showbiz Newsarticles!

Comments are closed.