Jessy Mendiola: ‘Hindi for me ngayon ang love-life’

081412-jessy_main.jpgHindi itinanggi ni Jessy Mendiola na nagalit siya noong una kay JM de Guzman nang sabihin nito sa Kris TV noong mag-guest siya na mahal niya ang aktres at mahal din siya ni Jessy. Ani Jessy, sana man lang ay nasabihan siya ng aktor. “Nagulat kasi talaga ako. I didn’t watch the interview kahit pinapanood na sa akin I didn’t want to kasi nagulat ako and I wasn’t expecting that. Sana binigyan muna ako ng heads-up bago gawin ‘yon,” paliwanag ni Jessy. “Nung narinig ko natawa na lang ako. Right after Kris TV nag-presscon kami for the Reunion, binombard ako ng questions about that without me knowing na nagawa niya pala ‘yon. Kaya ako nagulat ako, sobrang clueless ako. But ‘yun nga nag-usap kami, okay lang.”  

Pagpapatuloy pa ng aktres, “Of course siyempre nung una ginawa niya nainis ako kasi bakit di mo ako sinabihan, pero bandang huli nagsi-sink in sa akin natatanggap ko na okay naman pala kasi I realized things, especially now (that) the boys nowadays don’t do that.”
Nang direktang tanungin kung ano ang status ng kanilang relasyon, ang sagot ni Jessy, “I think it’s between kami na and hanggang friends lang.” 

Paglilinaw ni Jessy, sa estado ng career niya ngayon ay mas gusto niyang huwag munang pumasok sa relasyon. “Sa akin hindi naman sa hindi siya siseryosohin I guess with the things happening to me right now and kung nasaan ako ngayon sa sitwasyon ko, I guess it’s not the right time to be committed or involved in a relationship with what’s going on with me right now; the stress the problems and pagod sa love-life, I don’t need it muna,” paliwanag ng dalaga. “Para sa akin mahal na mahal ko ‘yung trabaho ko and hindi naman sa pipigilan ko ang sarili ko para lang magtrabaho siguro nagkataon lang na hindi for me ngayon ang love-life.”

Continue to source: Push.com.ph.

Jessy Mendiola: ‘Hindi for me ngayon ang love-life’

Browse more Latest Showbiz Newsarticles!

Comments are closed.