KC Concepcion: ‘Nag-decide ako na non-showbiz ang maganda for me’

062512-kc-main.jpg“I’m excited to fall in love again,” ito ang idineklara ni KC Concepcion sa The Buzz nitong Linggo pero hindi raw siya nagmamadala dahil gusto niya na ang susunod na lalaking makakarelasyon niya ay ang lalaking makakasama niya habang buhay.  
Marami akong natutunan (sa buhay pag-ibig), so right now, I’m being very careful. Nung umpisa scared. Pero right now I’m being very careful lang talaga,” pahayag ng actress-host. 
Pag-amin pa ni KC, mukhang mahihirapan daw siyang makipag-date ngayon sa punto ng kanyang buhay. “Because recently parang nag-decide ako na non-showbiz (guy) ang maganda for me. Ang hirap ngayon I didn’t think nga na talagang magtotodo-todo ako (sa trabaho); I’m hosting, I’m singing, I’m dancing and acting. So it’s really hard. This is really my world right now, so medyo mahirap (to date a non-showbiz), unless maghanap ako dito sa mundong ito, but for now wala pa dun.”  
Sa susunod niyang makakarelasyon, gusto raw ni KC ng “somebody humble and hardworking”. Idinugtong din niya na, “Gusto ko ang next ko, ‘yun na talaga. Kasi ‘di ba (magiging) kayo tapos magbi-break, kayo (tapos) magbi-break, ayoko na. That’s why I’m careful right now. I don’t wanna be hurt again. I wanna have fun right now.” 
Kinumusta rin ng The Buzz host na si Charlene Gonzales si Jules Knight ang British band member ng Blake na na-link kay KC. “He knows. It’s very clear na I said, ‘I’m really busy at work right now, (and) a very close friendship is the best I can offer you right now.’ At least honest ako at wala akong pinapaasa. He doesn’t live here (so) it’s always hard naman (to sustain) long-distance relationships. Maganda ‘yung nakakasama mo, makikilala mo pa nang husto. At this point, gusto ko na talagang makilala ‘yung tao nang husto. I would love to end up with a handsome guy inside and out,” natatawang sabi ni KC. 
Samantala nagsimula na noong Sabado, June 23 ang The X Factor Philippines kung saan host si KC. Kabilang naman sa mga judges sina Gary Valenciano, Charice, Pilita Corrales at Martin Nieverra. Mapapanood ang The X Factor Philippines tuwing Sabado at Linggo.

Continue to source: Push.com.ph.

KC Concepcion: ‘Nag-decide ako na non-showbiz ang maganda for me’

Browse more Latest Showbiz Newsarticles!


Showbiz topics in this article:

myrtle umaming marami ng experience sa mga lalaki

Comments are closed.