Kim Chiu on Xian Lim: ‘Masaya naman kami. Ini-enjoy namin ang isa’t isa’

080112-kim_main.jpgAchievement para kay Kim Chiu ang success ng current movie niyang The Healing kasama si Batangas Gov. Vilma Santos. “Siyempre masayang-masaya and syempre Gov. Vi and Direk Chito Roño, combine mo ‘yon, syempre blockbuster movie na talaga siya,” paliwanag ng proud na si Kim sa Star Magic Games 2012 noong Linggo, July 29. “I’m happy and proud na kasali ako sa pelikulang ito and first Graded A movie ko ito sa buong six years ko sa pagiging artista.

Pabor din umano sa kanila na dalawang ratings ang natanggap ng kanilang pelikula, Rated 18 at PG-13.  “‘Yung nakakapanood di lang puro R-18 at kahit ‘yung mga bata (gaya ng) high school (students) mapapanood nila ‘yung The Healing, (ang nakababatang) kapatid ko, pinsan ko napanood nila at ‘yung ibang fans ko.”

Samantala, nag-cheer naman si Kim sa nanliligaw sa kanya at leading man na si Xian Lim during the Star Magic basketball game. “Nanood ako. Nakakanerbyos ‘yung laro nila. Umalis nga ako nung malapit nang matapos kasi ‘yung labanan dikit,” kuwento ng aktres.
Biniro pa nga si Kim kung susuportahan rin niya si Gerald Anderson na nakalaban ng koponan ni Xian. “Uuwi ako mamaya, ha-ha-ha-ha. Di ko alam basta.” natatawang sagot niya

Hindi naman maiwasan ni Kim ang mangiti nang tuksuhin siya tungkol kay Xian na patuloy pa rin daw ang pagsuyo sa kanya. “Okay naman. Gumagawa kami ng teleserye, ‘yung Ina, Kapatid, Anak and may upcoming movie din kami sa Star Cinema,” pahayag niya. Hindi naman daw nila alam kung kailan nila gagawin ang pelikula. Pagdating naman sa kanilang personal relationship, inamin ni Kim na very consistent si Xian sa pagpapakita ng pagtangi sa kanya. “Consistent naman siya. Andun naman ‘yung consistency sa kanya.”

Direkta ring tinanong si Kim kung may pag-asa ba sa kanya si Xian, pero sinagot niya ito nang pa-safe. “Okay naman, masaya naman kami. Pag magkasama kami ‘yung family ko sinusuyo niya, so nakakatuwa lang may gano’ng feeling.”Nang usisain siya kung kailan niya balak sagutin si Xian, ang tugon ni Kim, “Wala naman. Time will tell. Masaya naman kami, ini-enjoy namin ang isat-isa.” Palagay din daw ni Kim ay si Xian ang pinakamalapit na lalaki sa puso niya. “Siguro, oo naman. Siguro siya ang pinakamalapit na lalaki sa puso ko,” ani Kim.

Sinubukan ding kunan ng comment si Kim hinggil sa issue sa pagitan ni Gerald Anderson at Sarah Geronimo subalit mas gusto ni Kim na huwag na lang makisali. “Labas na ako do’n. Sa kanilang dalawa na lang ‘yun. Kung ano man meron sa kanila, ‘di na ako kasali do’n.”

Continue to source: Push.com.ph.

Kim Chiu on Xian Lim: ‘Masaya naman kami. Ini-enjoy namin ang isa’t isa’

Browse more Latest Showbiz Newsarticles!

Comments are closed.