Phil Younghusband on his relationship with Angel Locsin: ‘We are so in love’

062912-phil_main.jpgSa ginanap na parangal ng People Asia Magazine kay Phil Younghusband bilang isa sa mga Men Who Matter sa taong ito, inilahad ni Phil ang pakiramdam na mahanay sa ilan sa mga prominente at kilalang tao sa bansa. “Masaya ako. I am very, very proud. I am with such respected individuals and it feels great to be part of this group. It’s so great to be on stage with such great individuals.”

Kamakailan nga ay inamin na ni Phil na opisyal na ang pagiging magkasintahan nila ni Angel Locsin at ipinagdiriwang nila ngayong Hunyo ang unang buwan nilang pagiging official na magkarelasyon. Nagbahagi si Phil ng pakiramdam na bukas na sa publiko kung ano ang estado ng kanilang relasyon. “It’s great. Masaya, masaya. We have always been happy but now we are more happy that it’s a great feeling. Ang sarap ng feeling na official na and we are in love.”

Noong nakaraang taon pa sila tinatanong at iniintriga sa kanilang relasyon na nagsimula sa social networking site na Twitter nang tanungin ni Phil si Angel kung maari niya ba itong maging ka-date sa Valentines. Naging bukas din naman sila sa publiko kung gaano nila pinpahalagahan ang isa’t isa ngunit bakit inabot ng ganito katagal para maging opisyal ang kanilang relasyon? “Kasi gusto ko talaga na maging perfect yung setting, perfect yung situation, and location. It’s timing and things like that and it was just a good time to be together and to be official.”

At ibinahagi ng bahagya ni Phil na nag-propose nga ito kay Angel para maging opisyal niyang maging kasintahan ang dalaga. “I did. It’s a long story. I just want it to be sweet and sentimental and I made sure it was that.”

Naitanong din naman sa Azkals player kung gaano siya ka-in love ngayon. “Sobra-sobra! It is an amazing feeling. We are so in love.”

At ayon din sa kanya nasa punto siya ng buhay niya ngayon na kahit marami siyang masasakit na pinagdaanan sa buhay, he is in a good place right now. Aniya, “Being under the public eye mas may responsibility na and be effective in a more positive way. I think it made me grow up fast as you see my parents are no longer around but now I have positive people in my life, friends, family, and Angel and I think that is making me a better person.”

At dahil nga nag-propose si Phil kay Angel para maging girlfriend nito, nasa punto na rin ba si Phil na kaya niya nang magpropose kay Angel para pakasalan siya? “Lagi kong sinasabi na my future is with Angel and that is still the case and it’s a matter of I want it to happen but lets see what happens.”

Continue to source: Push.com.ph.

Phil Younghusband on his relationship with Angel Locsin: ‘We are so in love’

Browse more Latest Showbiz Newsarticles!

Comments are closed.