Phil Younghusband relates how Angel Locsin agreed to be his girlfriend

070212-phil-main.jpgNag-guest kahapon si Phil Younghusband sa The Buzz at ikinuwento niya kung paano siya sinagot ni Angel Locsin. Kamakailan ay umamin na si Phil na girlfriend na niya si Angel for one month. 
Sa The Buzz, sinabi ni Phil na hirap daw sila ni Angel na magkaroon ng sapat na panahon sa isa’t isa dahil sa hectic ng kanilang schedule. Noong araw ng May 27 ay nakahanap daw ng pagkakataon si Phil. Pinlano raw ni Phil na mapasagot niya si Angel. 
“I would place three boxes,” simula ng Azkals football star. “In all three boxes may rose at may heart and sa heart would say why it’s meaningful. Sa first box (it was indicated) where we first met, second box where I first said I love her and the third box is where she said that she loves me. And the fourth box, may bagong place, and I said, ‘And this is the place I ask you to be officially be mine.’”
Kabado raw si Phil noon dahil sa magiging resulta ng pang-apat ng kahon. Nakasulat daw sa papel ang tanong na, “Will you be my girlfriend?” at may “Yes box” at “No box”. Inihulog daw ni Angel ang papel sa “Yes box” dahilan para matuwa nang sobra si Phil. Naging excited daw silang dalawa, lalo na si Phil na tuwang-tuwa na finally ay magkasintahan na sila.
Higit sa isang taon din nagtagal ang ligawan at sinabi pa ni Phil na una niyang tinanong si Angel na maging girlfriend ito noong Pasko ng 2011 pero ang sinagot daw ni Angel noon ay “Ask me another time.” Hindi raw napanghinaan ng loob si Phil dahil mahal na mahal niya si Angel at alam niyang mahalaga na maging matiyaga siya at sinabi raw niya sa aktres na handa siyang maghintay. 
Biniro ni Toni Gonzaga ang football player kung kailan naman niya tatanungin ang aktres na magpakasal at ang tapat na sagot ni Phil, “I’m not sure yet, but lagi akong sinasabi, I want a future with Angel.”
Sa ngayon ay masaya na si Phil na girlfriend na niya si Angel. “I’m excited for our future and I’m very very happy and I can say, yes my girlfriend is Angel. Sobrang proud and excited ako sa future namin.” 
Nang tanungin kung ano ang term of endearment nila, ang tugon ni Phil, “She’s my love.” 

Continue to source: Push.com.ph.

Phil Younghusband relates how Angel Locsin agreed to be his girlfriend

Browse more Latest Showbiz Newsarticles!


Showbiz topics in this article:

angel locsin twitter latest news, angel locsin latest news updates

Comments are closed.