Ruffa Gutierrez scores new show; praises ABS-CBN’s ‘The Buzz’

062512-ruffa_main.jpgHindi na napigil ni Ruffa Gutierrez ang damdamin ng ihayag sa Twitter ang sama ng loob dahil sa di umano ay pambabastos sa kanya ng sariling show na “Paparazzi” nitong Sabado.

Ani Ruffa, imbes na maging masaya siya sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa show, ay nabastos pa siya dito.

Hindi ako natutuwa sa birthday presentation ng Paparazzi para sa akin. Wala kayong kwenta at wala kayong respeto,” ani Ruffa.

Hindi nyo man lang naisip na nanonood ang mga anak ko!,” dagdag niya.

Dahil sa sama ng loob nakuha din ni Ruffa na ikumpara ang kanyang show sa dating show niya sa ABS-CBN na “The Buzz.”

Binastos ako ng #Paparazzi on my birthday. I’m so sorry but THE BUZZ would never do this to me. EVER!”

Aniya, hindi na siya muling babalik sa kanyang show at hindi na siya papayag na mabastos pa sa kahit anong paraan.

“From this day on, I will no longer be part of Paparazzi. I will never tolerate DISRESPECT in any form done to me, to my children or to my beloved viewers.”

“I refuse to be part of trashy reporting that degrades people or shames others. #Paparazzi.”

Hindi din ikinatatakot ni Ruffa na mawala ang show niya dahil naniniwala itong may nakalaang mas maganda para sa kanya at mga anak niya.

“I know God will provide work for me in other ways so I can take care of my daughters.”

“Lorin & Venice were watching #Paparazzi earlier cuz they were excited to see my reaction on the handmade card/note they made for me.”
 
Samantala, galit din ang naging reaksyon ni Annabelle Rama, ina ni Ruffa nang malaman ang nangyari sa anak.

Dapat tanggalin na yang mga bobong writers ng Paparazzi! Walang mga utak, mga abnormal, mga maniac!…Akala nila natutuwa ang mga viewers sa mga kabastusan nila? Hoy mga baklang writers ng Paparazzi magsilayas na kayo dyan!Kaya di nagre-rate ang show kasi puro kalibugan at kabaklaan! Tanghaling tapat puro,” ani Annabelle gamit din ang Twitter.
 
May mga batang nanunood sa inyo, katulad ng mga apo ko! Inaabangan nila ang bday celebration ng mommy nila!…Bitayin patiwarik ang mga bwisit at bastos na bading sa paparazzi! Mga bwisit kayo! Tanggalin at palitan na ang mga bobo na yan! Di ba naman mga tanga, ang daming pambatang commercials, puro kalibugan ang topic? Stupid! idiot!”

Continue to source: Push.com.ph.

Ruffa Gutierrez scores new show; praises ABS-CBN’s ‘The Buzz’

Browse more Latest Showbiz Newsarticles!

Comments are closed.