The Buzz reports that John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban are taking it slow

082012-jlc-main.jpgTinalakay kahapon sa The Buzz ang diumano’y namumuong relasyon sa pagitan nina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban na for a time now ay napapabalitang may relasyon na. Lalo namang lumakas ang paniniwala ng marami na may namamagitan na nga sa dalawa matapos i-post ang instagram picture ng dalawa na magkasama noong nakaraang linggo. 
Sa report, isang source ang nagsabing nasa getting-to-know-each-other stage pa raw umano ang dalawa. Masaya raw sila sa espesyal nilang samahan ngayon at wala raw dahilan para madaliin nila kung ano man ang meron sila. Mas nagiging maingat din daw si Angelica lalo pa’t ngayon lang daw niya nae-enjoy ang pagiging single matapos ang kanyang mahabang relasyon noon kay Derek Ramsay na tumagal din ng higit sa limang taon. 
Earlier that Sunday ay magkasama rin ang dalawa sa 27th Kadayawan Festival sa Davao with other Kapamilya stars. Gayunpaman, tumanggi umano ang dalawa na magpa-interview pero nakunan sila sa camera na laging magkadikit habang nasa parada. 
Ibinunyag din ng The Buzz host na si Boy Abunda na ayon sa isang source, si John Lloyd umano ang nag-post ng mga larawan nila noong nakaraang linggo gamit ang instagram ni Angelica. 
Sinabi naman ni Charlene Gonzales na wala namang masama kung sila na nga dahil pareho naman silang single. 
Pahayag naman ni Toni Gonzaga, naging very vocal ang dalawa noon sa kani-kanilang relasyon kaya naman ngayon ay sinisikap nilang huwag magmadali. 

Continue to source: Push.com.ph.

The Buzz reports that John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban are taking it slow

Browse more Latest Showbiz Newsarticles!

Comments are closed.