Xian Lim refuses to assume that he is the one making Kim Chiu smile nowadays

021112-xianlim-main.jpgGaya ng kanyang leading lady na si Kim Chiu, masaya rin si Xian Lim na nag-click ang team-up nilang dalawa sa katatapos na teleseryeng My Binondo Girl. Sabi nga ni Kim ay nakatakda talagang sumikat si Xian via that project dahil hindi naman talaga siya ang dapat niyang maging main leading man, kundi sina Jolo Revilla at Matteo Guidicelli.

Thankful naman si Xian sa pagsuporta ng kanilang mga fans at pati na rin ng Kimerald fans na sinuportahan din sila. “I’m really thankful, maraming sumusuporta. [Kasi ang] dami nila, lalo na ang mga online supporters, thank you,” sambit ni Xian. Dagdag pa niya, noong mga panahong nagmo-mall shows sila ay parating naroon ang kanilang mga fans kaya nakakataba raw ng puso.

Sinabi rin ni Xian na natutuwa siya na naging comfortable silang dalawa ni Kim kaya effective ang kanilang love team. “Kasi kung hindi ‘yan kumportable, baka hindi ‘yan mag-work. I’m really happy na we’re good friends, kulitan lang, happy-happy lang.”

Gaya sa kanyang ibang interviews, sinasabi ni Xian na ang gusto lang niya ay parating masaya si Kim at iparamdam sa kanya na espesyal ito. “Gusto ko lang na masaya siya parati. Ayoko naman mag-feeling na nanggagaling sa akin ‘yung mga ngiti niya. Siyempre marami ring nangyayari sa buhay niya ngayon hindi lang naman [ang success ng team-up naming]. ‘Di ko naman alam kung kasali na ba ako dun sa mga pagngiti niya ‘di ba?” mahabang paliwanag ni Xian.

Nang hinamon siya kung bakit hindi niya tanungin si Kim kung isa ba siya sa mga dahilan kung bakit ngumingiti ngayon ang aktres, tanging sagot ni Xian, “Siyempre nakakahiya naman.”

Makahulugan din ang sinambit ni Xian nang tanungin kung ano ang plano niya sa nalalapit na Valentine’s Day. “Masasabi ko pa lang at this point, I’m planning to spend it with a special person. Wala pang confirmation.”

Continue to source: Push.com.ph.

Xian Lim refuses to assume that he is the one making Kim Chiu smile nowadays

More Showbiz News!


Showbiz topics in this article:

latest update on kim chiu and xian lim romance, kim chiu and xian lims valentines day, kimirald2012

Comments are closed.