Is Derek Ramsay badmouthing the Kapamilya network?

030913-derek_main.jpgGaano katotoo itong nakalap naming impormasyon na sinisiraan di umano ni Derek Ramsay ang ABS-CBN, ang dati niyang home network?  
Ayon sa isang source, narinig daw ang aktor, na ngayon ay talent ng isang rival network, na nagsasalita ng hindi maganda tungkol sa Kapamilya network sa kausap nito habang nasa isang bar. 
Tila ipinahihiwatig di umano ni Derek na pinahirapan ito ng ABS-CBN dahil sa biglaan niyang pag-alis. Depensa naman ng malalapit na sources ng Push.com.ph na nagbigay ng kanilang opinyon at reaksyon sa diumano’y paninira ng aktor sa kanyang dating tahanan, hindi naman daw yata magandang gawain ang magsalita ng laban sa network na nagbigay sa kanya ng break sa showbiz. 
Gayung siya naman ang hindi maayos at personal na nagpaalam sa ABS-CBN management. Kung tutuusin ay ang dating big stars na gaya nina Sharon Cuneta at Aga Muhlach ay personal na kinausap ang big bosses ng Kapamilya network at maayos na nagpaalam bago lumipat.

Continue to source: Push.com.ph.

Is Derek Ramsay badmouthing the Kapamilya network?

Browse more Latest Showbiz News articles!

Comments are closed.