Charice to marry girlfriend soon

Push.com.ph:

070915-charice_main.jpgNakapanayam ng ABS-CBN Europe News Bureau si Charice matapos siyang mag perform sa Paris, France. Naging usap usapin ang pagkaka legalize ng same sex marriage sa Estados Unidos kaya naitanong kay Charice kung may balak ba siyang pakasalan ang kanyang girlfriend na si Alyssa Quijano.
“Kung plans lang, may plans talaga but dates or anything, wala pa. Siyempre nandoon pa kami sa focused muna kami sa kung anong ginagawa namin ngayon. Trabaho muna, ipon muna,” sabi niya.
Kanya ring ikinuwento na gusto niyang matupad ang dream wedding na gusto ni Alyssa.
“Kapag talagang alam na namin na super ready na kami, siyempre as her partner, I’d like to give her her deam wedding if ever. If ever that happens, gusto ko talaga ‘yung ready talaga lahat,” dagdag niya.
Bagamat nagsimula ang kanilang kanilang relasyon noong October 2012, naipaalam pa lamang ito sa publiko noong 2013. Nagkakilala ang dalawa nang maging magkalaban sila sa iba’t-ibang amateur singing contests at muling nagtunggali sa “Little Big Star” ng ABS-CBN noong 2005.
Muling nag krus ang landas ng dalawa nang sumali si Quijano sa singing contest na “The X Factor Philippines” kung saan isa sa mga judge si Charice.

Charice to marry girlfriend soon

Continue to source: Push.com.ph (article and image source) or browse other latest showbiz news articles!