EXCLUSIVE: Xian Lim on having a video scandal: ‘Hindi naman ako umabot sa ganun’

Push.com.ph:

022916-XianLim_PUSH.jpgUso na rin sa showbiz ngayon ang pag-amin ng ilang aktor na sila nga ang nasa video scandal o  kanila ang nude photos na lumalabas sa social media. Ayon sa bida ng TV series na The Story of Us na si Xian Lim, naala pa niya ang panahong nasangkot din ang pangalan niya sa ganu’ng kontrobersya.
“Nu’ng time ko, hindi naman ako ‘yun! Napagkamalan lang ako,” natatawa niyang pagbabalik-tanaw.
“Pero grabe ’yon, ha. Talagang pinag-usapan din,” dagdag pa niya.
Eh, hindi naman kaya meron din siyang lalabas na porn video in the future?
“Hindi naman ako umabot sa ganu’ng punto,” natatawa niyang sagot.
“Panatag naman po ako dahil hindi naman ako umaabot sa ganun. Hindi naman po ako pa-pornstar level. Ha! Ha! Ha!” diin pa niya.
Ayon pa kay Xian, kailangan din daw na maging aware at mag-ingat ang sinuman lalo na ang mga artista pagdating sa ganu’ng bagay.
“Nakakatakot lang talaga ang mga ganyan. Dapat aware talaga ang mga tao especially with the camera we have. Ang dali ring ma-hack,” babala pa niya.
Tahasan din niyang itinanggi na hindi siya gumagawa ng private video sa kanyang cellphone o laptop.
“Hindi na, mamaya, puwede namang tumi­ngin na lang ako sa salamin. Ire-record ko pa ba sarili ko? Ha! Ha! Ha! Hindi na!” tanggi pa niya.
Samantala, nabawasan na ang pagiging conscious ngayon ni Xian Lim sa pagharap niya sa mga tao. Dahil daw ito sa mga itinuro sa kanya noon ni Direk Joyce Bernal habang ginagawa pa nila ang pelikulang Everything About Her kasama sina Vilma Santos at Angel Locisn.
“Isa sa sinabi sa akin ni Direk Joyce, ‘Stop trying to be perfect.’ Kasi dati ganu’n ako. Sinusubukan ko.
“Hindi naman trying to be perfect, but I’m trying to be presentable as possible. Meron ka kasing sine-set, eh. Pero hindi kasi dapat ganun,” paliwanag niya.
Aminado ang aktor na kaya siya naging sobrang conscious noon ay dahil sa pamba-bash sa kanya sa social media at ang sinasabi ng marami na hind siya marunong umarte.
“Honestly,  hindi ko na talaga alam ang gagawin ko non. Buti na lang, medyo umokey na ngayon,” masayang pahayag ng kapartner ni Kim Chiu sa The Story of Us.

EXCLUSIVE: Xian Lim on having a video scandal: ‘Hindi naman ako umabot sa ganun’

Continue to source: Push.com.ph (article and image source) or browse other latest showbiz news articles!