Kim Chiu is now more open to being partnered with other leading men

Posted By on March 2, 2010


 Powered by Max Banner Ads 

Masayang ibinalita ni Kim Chiu na tatakbo na ang storya ng Kung Tayo’y Magkakalayo sa kanilang dalawa ng kanyang ka-love team na si Gerald Anderson. For a time kasi ay umikot ang storya sa iba pang stars ng teleserye na sina Kris Aquino, Gabby Concepcion at Albert Martinez.

 

Itinanggi rin ng tsinita actress ang mga naglalabasang isyu na hindi naman daw talaga silang dalawa ni Gerald ang sentro ng nasabing programa. Ani Kim, bago pa man magsimula ang teleserye ay naging malinaw na sa kanila kung paano ang takbo ng storya. “Ngayon aabot na ‘yung kwento sa amin ni Gerald. ‘Yung storycon una muna talaga sila tapos sunod kami,” paglilinaw ni Kim. “Walang isyu. Nakaplano talaga ‘yon.”

Tila mas open na rin ngayon na maitambal sa ibang leading men si Kim bukod kay Gerald. Simula’t sapul kasi nang lumabas siya sa PBB house ay ang second runner up na si Gerald ang lagi niyang ka-love team mapa-TV man o pelikula. Nauna nang sinabi ni Gerald na open daw siyang maitambal sa ibang leading ladies. “Oo, siyempre ako din. Four years na rin ‘yon para maiba naman,” sagot naman ni Kim. Nauna na rin itong ginawa ni Kim nang makasama siya sa pelikulang I Love You, Goodbye kung saan naging leading man niya si Derek Ramsay. Pareho nilang sinabi na sa pamamagitan ng bagong kapareha ay lalo silang magma-mature as actors.

Masasabi ring unti-unti na ring nakakamtan nito ni Kim dahil kamakailan ay natanggap niya ang kanyang kauna-unahang acting award sa kategoryang Students Choice of Actress in a Daily Soap Opera sa USTv Awards sa kanyang pagganap sa kanyang naunang teleserye, ang Tayong Dalawa bilang Audrey. Gayunpaman, nilinaw ni Kim na kahit nakatanggap na siya ng acting award ay sinisikap niyang mapagbuti ang kanyang performance sa lahat ng role na ibinibigay sa kanya. Hindi rin umano ito pressure sa kanya na dapat ay award ang habol niya. “Lahat naman ng ginagawa ko pinagbubutihan ko. Hindi ko naman pinipili na ah eto gagalingan ko ito. Consistent din lang naman and depende lang sa tao ‘yon (kung ano ang pananaw niya).”

First Posted: abs-cbn.com


Search terms:

kim chiu march 2011

About The Author

Comments

Leave a Reply

Spam protection by WP Captcha-Free