Kris Aquino reiterates she wants to end marriage with James Yap

Posted By on July 12, 2010


 Powered by Max Banner Ads 

Tila desidido na si Kris Aquino na wakasan na ang kasal nila ng kanyang mister na si James Yap. Bago matapos ang The Buzz kahapon ay isang importanteng mensahe ang inihayag ni Boy Abunda, kaibigan ni Kris. Ang nilalaman ng sinabi ni Boy ay ang official statement ng mga abogado ni Kris hinggil sa isyu.

 

“Ms. Kris Aquino has recently announced that she has decided to end her marriage to James Yap and asked us to initiate the appropriate proceedings for the purpose she believes that this is the best interest of all concerned especially her children. We shall take the necessary steps at the soonest possible time and request everybody to respect the privacy of the parties and let the legal process take its course.”

Ilang linggo na ring pinag-uusapan ang isyu at matatandaang sa last episode ni Kris sa The Buzz noong June 27 ay nagsalita pa siya hinggil sa isyu. Pumunta muna sa US si Kris kasama ang kanyang mga anak para magbakasyon. Sinubukan pa ring kunin ang kanyang pahayag pero tumanggi na itong magsalita at sinabing hahayaan na lamang ang kanyang mga abogado na magbigay ang update.

Samantala, sinabi naman ni Boy sa The Buzz kahapon na sa mga darating na linggo ay magbibigay sila ng ulat hinggil sa isyu. “Sa mga darating na linggo, abangan n’yo po ang kuwento na ibabahagi (namin) sa inyong lahat,” ani Boy.

First Posted: abs-cbn.com

About The Author

Comments

Leave a Reply

Spam protection by WP Captcha-Free