Kris Aquino reveals her ‘tampo’ towards actor John Lloyd Cruz

Posted By on January 18, 2010


 Powered by Max Banner Ads 

Nagbigay ng reaksyon ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa pahayag ni Philip Salvador sa pagkikita nila ng anak nila niyang si Joshua. Diretsahang inamin ni Kris na hindi sila nakakapag-usap ni Philip. “Hindi, I mean, we don’t really have much of a relationship pero natuwa naman si Josh to see him. Pero si baby James na-insecure dahil hinahatak niya ‘yung kuya niya, ‘No, no, no!’ Oo, ayaw na niyang i-share ang kuya niya,” umpisa ni Kris.

Pero pinuri naman ni Philip si Kris bilang isang mabuting ina kay Joshua. Ano ang masasabi niya dito? “Ay, dapat lang naman talaga. Oo, but no, I don’t think I’m perfect but I really tried as good as I can be. Kasi nga last week nilibre namin ‘yung schedule ko nu’ng Tuesday kasi pumunta kami para mag-wellness. Kasi ngayon, he goes four times a week sa Medical City, na meron siyang ano, yes, dietician, lahat. Merong nutritionist, may endocrinologist tapos ngayon meron kasi silang area doon na teen-wellness for obese teens. Four pounds ang na-lose niya in one week. Tapos ngayon talaga nag-iingat na kami. Kanina (Sunday) nag-lunch ang buong family sa house ng sister ko. Tapos ‘yung sister ko cooperative naman. Meron talagang healthy na pasta na para sa kanya at may fish. Para at least, tulung-tulong kaming lahat para talagang matulungan siya.”

Goal daw kasi ni Josh na maka-lose ng ng ilan pang pounds bago dumating ang birthday nito sa June. “Kasi ang goal lang naman, e, to lose 30 lbs. by his birthday sa June. Madali lang ‘yun. That’s four four pounds a month. Kakayanin, e, naka-four na nga, e. Kasi nga, ‘yun namang four, na-lose niya ‘yung two, na-gain siya ng four, so, parang plus two pa. Kaya ang goal namin ngayon is minus two ulit kasi Christmas, e, so, mahirap.”

Aware ba si Philip tungkol sa wellness-program ni Josh? “Hindi ko talaga alam. Hindi ko alam.” Inamin din ni Philip na wala siyang regalo kay Josh last Christmas. “Okay lang naman. Wala namang ine-expect si Josh.” Nag-no comment naman si Philip kung sino ang kanyang Presidentiable. “E, obvious naman Erap. Dapat lang naman Erap. Best friend niya si Jinggoy (Estrada) mahaba ang pinagsahaman nila.”

Samantala, ipapalabas na sa Sabao, January 23 ang first part ng Cory-Ninoy special episode sa Maalaala Mo Kaya. Naunang lumabas na ang gaganap na Ninoy sa MMK ay ang actor na si John Lloyd Cruz. Pero si Piolo Pascual ang gumanap bilang si Ninoy with Bea Alonzo as Cory. “No, I think, ah, I think what happened was, they asked him but he did not want to have any political identification. Tapos, e, if you think naman nasunod naman ‘yung mga wish ng mga sister ko kasi Papa P (Piolo Pascual) to death talaga ang mga kapatid ko. ‘Yung crush talaga nu’ng tatlo. So, kilig na kilig sila. Nag-meet sila sa house before and then nu’ng kumanta si Piolo for mom, sa libing. Tapos nag-MMS kasi si Bea sa akin nu’ng debut (ni Cory) scene. Tapos pinakita siya sabi ko, ‘Send din picture of Papa P. ‘Tapos pinakita ko sa mga kapatid ko. Tapos ‘yun, ang gwapo ng dad.”

Kumusta naman ang pagbantay niya sa voice over ng kanyang at na si Ballsy Aquino Cruz para sa Maalaala Mo Kaya? “Ay naku sabi ni Ate (Ballsy). Kasi tinatanong siya ni James, ‘O, ate kumusta?’ ‘Okay, kasi pagod na si Krissy , so, inaapura niya.’ Hindi kasi that day galing ako sa TVC ni Noy. Tapos nag-dinner meeting with Noy para doon sa aterial na gagawin. Tapos nagpunta dito, nag-dalawang SNN. Past midinight na ‘yun. E, ang aga ng call time ko the next day. So, ginu-good ko na kahit hindi, ah, hahaha! Gino-good ko na kasi sabi ko, ‘Ate they don’t expect you naman to be professional, so, okay lang. Kinu-korek ko lang sa kanya kasi masyadong proper ‘yung Tagalog, ‘yung si-ya. E, sabi ko, ‘Sya, ate. Siya-siya.’ Pero nice. Pero alam mo nakakaiyak. VO (voice over) pa lang, cry-cry na kami. But, kasi it only tackles naman, uhm, not revealing too much kasi baka magalit naman ang MMK sa akin, but ‘;yung book ends ng story sa akin was ‘yung nagliligpit kami ng gamit ni Mom sa Times St, doon sa kwarto niya. So, it was just me, Pinky and siAte ‘yung nagliligpit nu’ng time na ‘yun.

“Ah, si Ate (Ballsy) will be played by Liezl Martinez, tapos si Pinky si Yayo Aguila, tapos ako si Jodi (Santamaria). And , ‘yung two sequences lang sila pero pumayag sila, ha. Kasi, to tell the story, kung ano ang love story ng mom and dad ko nu’ng nagsimula na 18 ang mom all the way sa Fort Bonifacio . Until ‘yung Boston years but it ends there. Hindi na mata-tackle ‘yung beyond that, I guess, it’s for the movie. ‘Tsaka kasi sobrang laki naman kung ita-tackle mo ‘yung assassination, Presidency, lahat-lahat, mahriap. So, hanggang doon lang at para rin hindi ma-accuse ng pamomolitika kasi very limited ‘yung exposure ni Noy, teenager lang. It will end Noy as a teenager.”

Nakalimutan naman ni Kris kung sino ang gaganap na batang Sen. Noynoy sa MMK. “Hindi ko alam . ‘Yun ang nakalimutan ko. Sarili ko lang ang concern ko. Nagtanong ako, sabi ko, sino ‘yung batang Kris na nagi-speech? Si Celine (Lim)” Naintindihan naman niya ang dahilan ni John Lloyd kung bakit ito tumanggi na gumanap bilang daddy niya sa Maalaala Mo Kaya? “Well, uh, I was open when we had the chance, parang kasi nagpdala siya sa akin ng gift last Christmas. And then, nag-thank you ako. Sabi ko lang, ah, sabi niya alam daw niya na may tampo ako. Sabi ko, hindi mo maaalis sa akin kasi daddy ko ‘yan. So, kung tinanggihan ang dad mo, ikaw rin naman siguro syempre kung tatay mo. Pero sabi ko, I understand. Sabi ko mas masakit naman siguro kung tumanggi siya dahil meron siyang ibang e-endorse ‘di ba? O, ‘di okay na lang ganun na lang na ano., ‘yun lang. Pero sinabi ko sa kanya na hindi mo maalis na , uh, when Tita Cory called me I had to tell my sisters, lahat ng sisters ko tinanong, ‘Ay, he doesn’t like mom and dad?’ May ganu’n! Syempre ganu’n ang feeling mo kung hindi ka showbiz ‘di ba? And then, sabi ng sister ko, ‘Ayaw niyang maging Ninoy?’ Oh, well, that’s life.’ And then, tapos sabi pa nila, ‘Oh, no. Maybe he knows because Liz (Uy) styles Noy.’ Hahaha! Gumanu’n na lang kami. Dyinoke na lang naming lahat. Kasi si Liz ang nag-aalaga sa akin. Tapos inaalagan niya si Noy ngayon sa mga TVC niya,” tapos ni Kris.

First Posted: abs-cbn.com


Search terms:

kris aquino and philip salvador mmk

About The Author

Comments

Leave a Reply

Spam protection by WP Captcha-Free