| Boy Abunda explains his side on why he chose Noynoy Aquino over Manny Villar |
| Boy Abunda Latest News | |||
| Wednesday, 30 September 2009 08:00 | |||
|
Naglabasan sa mga babasahing tabloids and magazines ang naging pahayag ni Kris Aquino patungkol sa isyung kinasasangkutan ngayon ng matalik nitong kaibigang si Boy Abunda. Sa mga naging pahayag ni Kris, ipinagtanggol nito ang sikat na tv host/manager ayon na rin sa paglitaw ng halagang twenty-five million pesos!
Nagkaroon ng pagkakataon ang ABS-CBN.com na ma-interview si Boy Abunda after ng The Buzz last Sunday at tinanong namin ang TV host/manager patungkol sa sinasabing halaga at kung ano ang kanyang stand dito. “Umpisahan natin kay Manny Villar. I've been with Manny Villar for eleven years, sipag at tiyaga pa lamang ay magkasama na kami ni Manny. Mabuting tao, mabuting kaibigan at kaibigan ko silang mag-asawa at maaga pa lang, ngayon na nagpahiwatig na siya for the Presidency, tinanong ako. Dalawa ang ginawa ko for Manny this year, I did a radio commercial, naalala n'yo pa ba 'yung kasadsaran nung C5 controversy? They did a radio commercial, the material, they asked me if I'm willing to do the interview na ako ang magtatanong at si Manny ang sasagot. Pero hindi kami nagkita du'n.Yung ako ang nagtanong tapos nag-record siya on a different day. I was glad to do that for Manny. Tapos ang ABS-CBN marketing had the initiative, kinausap ako if I'm willing to help do an interview with Manny dun sa kanilang ancestral house sa Tondo. Of course, I'll do it for Manny. Okay. So, ginawa ko'yung interview na 'yun na three hours at du'n lang kami nagkita ni Manny.” Ayon pa kay Boy, wala daw opisyal na kumpirmayon sa pagitan nila ni Sen. Villar na endorser siya para sa politico. “Si Manny kasi, he's a wonderful person, beautiful person, hindi 'yan nakikipag-usap na ‘O, ikaw, akin ka na ha. Mag-usap tayo ha.’ Walang ganoon. He's not like that. He doesn't ask for anything. 'Yung material na 'yun was supposed to be for ABS-CBN.But because then the material was very effective, nakita natin sa lahat na nagmukha siyang commercial. Ang intend nu'n,technically,it was just a linear for the Buzz and SNN talaga. Ang paliwanag dito, kailanman, itong presidential elections na ito, dahil nga sa matagal na kaming magkakilala ni Manny Villar, walang kumausap, naupo na kausapin akong ‘O, Boy, sa presidential elections i-endorse mo ako ha. Nobody talked to me about a formal arrangement sa mga tauhan ni Manny, nobody talk to me about endorsements,verbal or otherwise. So, in terms of commitment,dun lang ako committed sa aming pagkakaibigan dahil matagal na kaming nagka-trabaho because I endorsed him sa sipag at tiyaga pa lang and he is really a friend.” Dagdag pa ni Boy, di naman daw inaasahan ang ilang pangyayari nitong mga nakalipas na buwan na humantong nga sa ganitong paged-desisyon niya. “Okay, nangyari ang dapat mangyari, pumanaw si Tita Cory, hindi naman natin alam kung ano-anong mangyayari, hindi ba? Hanggang sa mag-deklara si Noynoy na tatakbo siya for 2010 elections sa presidency. In fairness to Manny Villar and his camp, wala namang tao si Manny na nag-pressure sa akin. Like kung papaano na ngayon, or kanino ka na or whatsoever. Wala akong narinig mula sa kampo ni Manny saying those words o approached me and that's on the other side. On the other side naman, in fairness to Kris and Noynoy (Aquino), nobody talked to me and said na ‘Kay Noynoy ka na ngayon.’ Wala! So it was my decision alone kung ano man ang aking naging desisyon. Kung wala si Noy, klaro naman ang usapan na I will support Manny kahit sa panahon noon na medyo delikado pang magpahiwatig, nagpahiwatig na akong susuportahan ko si Manny. Pero ngayon na nagpaalam na si Noynoy sa kanyang intensiyon na tatakbo bilang presidente, hindi rin choice ito eh Kasi,hindi rin naman ako pinapili ng kampo ni Manny o Noynoy. It is not a choice, ang pinag-uusapan dito, kulang lang naman sa apelyido ko ay Aquino eh. I mean, the daughter, the sister, is my bestfriend, pamilya na to eh. So I have to say this, that ako na mismo ang nagsasabi.” Patuloy pa ni Tito Boy, sobrang tagal daw niyang pinagisipan ang kanyang gagawin. “You know,pinag-isipan ko ito, sabi ko nga, the first person that will understand me is Manny, dahil alam niya kung gaano kahalaga talaga ang isang pamilya. Parang it's naturally a should, na tatakbo pala ang kapatid, tatanungin pa ba ako? Pero, I'll always say na napaka-disenteng tao ni Manny Villar. He doesn't talk about politics to you. Eto pa, the people of Manny called me and asked me if they can use the material which I did for Manny. Sabi ko, sandali ha, kasi,ayoko rin makalito, so I have to talk to some people, I have to call people to consult and even Kris, I called her na nasa Hawaii, tapos si Noynoy ay kinausap ko ng personal, nagpasintabi ako.Sabi ko, ‘Noy, kasi until October 15, may mga commercials pa akong lalabas,'yun 'yung mga interviews ko kay Manny Villar na pumayag ako.’ Sabi ni Kris, ‘Boy,you can even allow them until October 15, that's okay.’ I want this quote because it's very important, Manny Villar has been good to me and Manny is not an enemy. So,maayos na pag-uusapan.” At dahil diyan, hanggang ngayon ay hindi pa rin mawari ni Boy kung saan nangaling ang haka-hakang may tinanggap siyang malaking halaga ng pera. “Honestly,hindi ko alam kung saan nanggaling ang isyung 'yan. Nakatanggap ako ng isang text message, kasamahan natin siya dito sa ABS-CBN, siya 'yung nagpadala ng message sa akin. Ang unang reaksiyon ko ay natawa talaga ako. Pangalawang reaksiyon ko, parang ‘Huh? Saan nanggaling ang balitang 'yan’ Hindi ko alam kung saan at kung sino. Basta sigurado ako na hindi 'yan nanggaling sa kampo ni Manny. Walang perang involved du'n sa ginawa ko. Hindi ako tumanggap ng piso, hindi ako tumanggap ng twenty-five million pesos. May ibang tsismis pa na kesyo may twelve million naman daw na ibinayad sa akin pero isinusoli ko at hindi naman daw tinanggap ni Manny Villar. Sinabi ko sa interview ko na sigurado akong hindi 'yun sasabihin ng kampo ni Manny dahil hindi naman talaga totoo! Atsinabi ko rin,harapan,mata sa mata sa inyong lahat na walang perang namagitan sa amin ni Manny Villar. Ang tanong?Bakit mo ginawa 'yun Boy? Ang ginawa ko lang ay isang interview at hindi commercial. Ano ba naman 'yung interview na 'yun dun sa eleven years na pinagsamahan namin ni Manny at hindi pa rin 'yun kampanya eh. 'Yung kay Kris naman,naawa si Kris sa akin kasi alam ni Kris ang buong istorya na parang huwag naman si Boy, wala naman 'yang kinalaman. Kung may mga forces man na gusto kaming siraan o sirain, intrigahin, huwag naman. Yung pagtitira sa akin ngayon,expected ko na 'yan. Wala po ako sa langit, nandito po ako sa lupa. At talo ang pikon.” Para kay Boy panahon na para ipaglaban ang kanyang sarili sa mga isyung ito. “Kaya ako nagdesisyong magsalita ngayon dahil may mga intriga na pinalalampas at may mga intrigang hinaharap lalo na kapag pera na ang involved. Ayoko rin namang maging defensive, nagpapaliwanag po ako ngayon dahil tinatanong ninyo ako. Sinadya ko rin na huwag magsalita sa The Buzz at SNN dahil ayokong maakusahan na ginagamit ko ang show ko para maipaliwanag ko ang side ko about this issue,” paglilinaw at paliwanag pa sa amin ni Tito Boy Abunda. Nang tanungin namin ito kung isang malaking insulto ba ito sa kanyang pagkatao ay isang mariin na oo ang kanyang isinagot. “Oo! Nakaka-offend siya. Para akong sinampal at sinabi mong, okay lang, ‘di ba? Alam natin na sa industriyang ito,eh, nangyayari 'yun,” pagtatapos ni Boy. First Posted: abs-cbnnews.com Watch Your Favorite Movies, Tv Shows, News And Sports Anytime You Want Here!
|

