Sharon Cuneta assures she’s healthy

Posted By on October 19, 2009


 Powered by Max Banner Ads 

MANILA – Nilinaw ni Megastar Sharon Cuneta sa “The Buzz” noong Linggo na hindi delikado ang kanyang kalusugan gaya ng mga nasusulat sa mga tabloid.

 

Ayon kay Shawie ang natagpuang tatlong lump sa kanyang dibdib ay benign at walang dapat ikabahala. Inamin din niya na maraming mga Sharonian ang nabahala nang mabasa nila ang mga samu’t saring nasulat hinggil sa kanyang kalusugan na hinihilaang umanong cancer.

Samantala, nagsimula na si Cuneta ng shooting para sa Metro Manila Film Festival entry, Mano Po 6. Ayon pa sa kanya, siguradong matutuwa ang fans niya dahil ibang Cuneta ang makikita nila. Aniya nga, magtataray rin siya sa nasabing role.

Sobrang tuwa rin ng aktres sa pagvo-volunteer ni Kris Aquino na gumanap bilang best friend ni Cuneta nang walang bayad sa pelikula. Umaasa rin si Cuneta na magbukas ang maraming oportunidad sa pagsasama nila ni Aquino, gaya ng isang pelikula na pagbibidahan nilang dalawa.

Samantala, all-star cast ang nasabing pelikula na kinabibilangan pa nina ZsaZsa Padilla at Christopher de Leon.

Ang gaganap ding anak ni Cuneta ay si Heart Evangelista. Naging kontrobersyal din ang gaganaping role ni Evangelista dahil naunang inalok ito kay Angel Locsin subalit hindi pumuwede dahil sa kanyang commitments.

Sinabi naman ni Cuneta na siya mismo ang nagmungkahi na kay Evangelista na lang ibigay ang role dahil bagay na bagay sa kanya ang karakter.

First Posted: abs-cbnnews.com

About The Author

Comments

Leave a Reply

Spam protection by WP Captcha-Free